2 nalibing nang buhay

OLONGAPO CITY , Philippines  – Patay ang dalawang manggagawa habang nakaligtas naman ang isa pa makaraang malibing nang buhay sa gumuhong lupa sa construction site sa Barangay Kalaklan, Olongapo City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Olongapo City PNP director P/Senior Supt. Oscar Albayalde, nasawi sina Gilbert Dalisay, 38, ng #68 Lower Kalaklan at Rommel Lastinada, 28, ng #2440 Old Cabalan sa nasabing lungsod.

Nakaligtas naman at bahagyang nasaktan si Arman Santos na nagtamo ng galos sa iba’t ibang parte ng katawan. Napag-alamang naghuhukay ang mga biktima sa may 20-talampakang lalim nang gumuho ang itaas na bahagi nito.

Kinailangan na gumamit ng backhoe ang mga rescue team upang mahukay ang mga bangkay ng dalawa na tumagal nang halos 2-oras na retrieval operations.

Show comments