MANILA, Philippines - Pinaslang ng notoryus na kidnap-for-ransom group ang isang 48-anyos na negosyanteng Bumbay matapos mabigong magbayad ng P7 milyong ransom, ayon sa ulat kahapon.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang bangkay ni Jagrah Singh ng Grand Plains Subdivision sa Jaro, Iloilo City ay natagpuan sa Mount Napatagan, Sitio Olang, Brgy. Sibariwan, Dumarao, Capiz kamakalawa bandang alas-6 ng umaga.
Si Singh ay dinukot ng mga armadong lalaki noong Mayo 29 ng hapon sa bisinidad ng Sara, Iloilo.
Sinasabing humihingi ng P7 milyong ransom ang mga kidnaper sa pamilya ng biktima pero tumatawad ng P1 milyon kaya nairita ang mga kidnaper kaya tinuluyang patayin si Singh.
Kaugnay nito, bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) sa pamumuno ni P/Senior Supt. Josephus Angan, police director ng Capiz upang imbestigahan ang kidnap slay sa biktima.