^

Probinsiya

Trader 'di-nakabayad ng ransom, dinedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaslang ng notoryus na kidnap-for-ransom group ang isang 48-anyos na negos­yan­teng Bumbay matapos mabi­gong magbayad ng P7 milyong ransom, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, ang bangkay ni Jagrah Singh ng Grand Plains Subdivision sa Jaro, Iloilo City ay natagpuan sa Mount Napatagan, Sitio Olang, Brgy. Sibariwan, Du­marao, Capiz kamakalawa bandang alas-6 ng umaga.

Si Singh ay dinukot ng mga armadong lalaki noong Mayo 29 ng hapon sa bisini­dad ng Sara, Iloilo.

Sinasabing humihingi ng P7 milyong ransom ang mga kidnaper sa pamilya ng bik­tima pero tumatawad ng P1 milyon kaya nairita ang mga kidnaper kaya tinuluyang pa­tayin si Singh.

Kaugnay nito, bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) sa pamumuno ni P/Senior Supt. Josephus Angan, police director ng Ca­piz upang imbestigahan ang kidnap slay sa biktima.

CAMP CRAME

GRAND PLAINS SUBDIVISION

ILOILO CITY

JAGRAH SINGH

JOSEPHUS ANGAN

MOUNT NAPATAGAN

SENIOR SUPT

SHY

SI SINGH

SITIO OLANG

SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with