Minero pinugutan ng kainuman

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ang isang 37-anyos na minero matapos itong pagsasaksakin at pugutan ng ka­inu­man ng alak sa Barangay Alegria, sa bayan ng San Franciso, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Julieto Quinones ng Purok 3, Brgy. Alegria, San Francisco. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Kith Negranza, 26, kasamahang minero ng biktima.

Lumilitaw na nag-iinuman ang dalawa nang ma­pikon ang suspek sa tinuran ng biktima. Dito na biglang inun­dayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima at hindi pa nakuntento ay pinugutan pa gamit ang bagong hasang itak.

Sumuko na­man sa pulisya ang suspek at inamin ang krimen.

Show comments