NPA ambushers tugis ng 300 sundalo

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 300 sundalo ang isinabak para tugusin ang mga rebeldeng New People’s Army na res­ponsable sa madugong ambush na ikinasawi ng limang sun­dalo sa liblib na mga Ba­rangay Bencalin at Baran­gay San Francisco sa ba­yan ng Presentacion, Ca­marines Sur kamakalawa.

Ayon kay 9th Infantry Division spokesman Major Harold Cabunoc, ipinag-utos ng kanilang comman­der na si Major Gen. Ru­perto Pa­bustan ang mala­wakang opensiba la­ban sa mga rebelde na nagkukuta sa mga bayan ng Goa, Cama­roan, Gachi­torena at Gina­pa bukod pa sa na­banggit na bayan.

Base sa tala, naganap ang ambus sa Brgy. San Francisco, kamakalawa kung saan nasawi sina 1st Lt. Miguel Logronio Jr. (PMA Class 2009); Corporal Arturo Hernandez, Pfc Albert Ja­mera, Pfc Edwin Britanico at Pfc. Alvin Aria na pawang tinamaan ng shrapnel mula sa landmine na itinanim ng NPA.

Sugatan naman sina Private First Class Jerry Magdasoc, Carlos Codi­res; Pfc. Ronnie Villaluna at Private Jose Quiapo habang nakaligtas naman matapos na gumapang sa damuhan si Pfc. Bernard Vergara.

Ang mga nasawi at su­gatang sundalo ay sina­sabing nagbabantay sa road project na nag-uug­nay sa bayan ng Presen­tacion patungo sa bayan ng Caramoan.

Show comments