BULACAN, Philippines — Nagwakas ang pitong taong pagtatago sa batas ng isang 40-anyos na lalaki na may nakabinbing kasong panghahalay laban sa tatlong kababaihan makaraang maaresto ng pulisya kahapon ng umaga sa bisinidad ng Barangay Kaypian sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Henry D. Aries ng Kabankalan City Regional Trial Court Branch 61 ng Negros Occidental, nadakip ang suspek na si Rudy “Katong” Taton ng Carissa 4, Brgy. Kaypian sa nabanggit na lungsod.
Nakatakdang naman ibalik si Taton sa nabanggit na lalawigan upang harapin ang tatlong kaso ng panggagahasa kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para makalaya.