2 bading kinidnap ng Sayyaf

MANILA, Philippines – Na-wow mali ang mga bandidong Abu Sayyaf ma­ta­pos na mapagka­malang mga babae ang dalawang bading na kani­lang kinid­nap sa bayan ng Sumisip sa Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Kasabay nito, kinum­pirma ni Basilan Provincial Po­lice Office Director P/Senior Supt. Antonio Men­doza na humingi na ng P2 milyong ransom sa pa­ milya ng isa sa mga ba­ding na si Rolando Francisco, 23, ang grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji In­dama.

Ayon kay Mendoza, na­katanggap ng tawag sa telepono ang ina ni Francisco gamit ang cell phone ng anak na nagpakilalang isa sa mga bata ni Indama at humihingi ng P1 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.

Nabatid na bading din ang isang bihag na si Dariel Quintea, 23 at ang isa ay ka­wani naman ng Manggal Ag­rarian Reform Beneficiary Development Coope­rative na si Claudio Ma­nanita, 32.

Ang tatlo ay dinukot ng grupo ni Indama noong Hu­we­bes matapos harangin ang pam­pasaherong jeep­ney sa Sitio Mompol, Ba­rangay Libug.

Posibleng napagka­ma­lang mga babae ang dala­wang bading na mga beautician at patungo sana sa Brgy. Manggal para mag-ayos sa gaganaping kasa­lan kasama si Mananita.

Nabatid na nagpadala na rin ng emisaryo ang grupo ni Sakalahul sa kuta ni Indama upang kumbin­sihin ito na palayain ang kanilang mga hinostage.

Show comments