3 tinodas ng pirata
MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na napaslang habang apat iba pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong pirata ang sinasakyang bangka sa karagatan sakop ng Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa.
Kabilang sa mga napatay ay sina Abdua Sampang, Sahari Sali at Melba Sali habang ginagamot naman sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital ang mga sugatang sina Sammy Sali,17; Sabri Sali,14; Muharral Abdua na pawang nakatira sa Barangay Ungos, at si Sabri Usman ng Brgy. Balabag. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa karagatan ng Luuk Mangit, Barangay Pababag, dakong alas-11 ng umaga.
Kasalukuyang pauwi na ang mga biktima lulan ng pump boat mula sa kabayanan ng Bongao nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga lulan ng pump boats. Na gawang makalundag sa tubig ng ilang pasahero ng bangka subalit tinamaan at sugatan.
- Latest
- Trending