2 pulis nanghayjak ng gamot

BOCAUE, Bulacan , Philippines  — Nabisto ang modus ope­randi ng dalawang hinihi­nalang pulis na nanghayjak ng sasak­yan na may lulang iba’t ibang uri ng gamot na aabot sa mil­yong piso sa Brgy. Batia sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sa salaysay nina Richard Dangcalan 29, drayber at Jayson Timbol, 23, pahi­nante ng Bulacan Logistics Inc., kay P/Supt.Ronald de Jesus, naganap ang insi­dente dakong alas-9 ng umaga habang sakay sila ng Isuzu Canter aluminum closed van (CXF-980) ga­ling ng Clark Special Econo­mic Zone sa Pampanga.

Ide-deliver nila ang mga gamot sa bayan ng Guagua, Bacolor nang pagsapit sa isang lugar sa Megadike, Ba­color ay pinara sila ng da­lawang naka-unipormeng pu­lis na nakasakay sa isang motorsiklo na walang plaka at dito ay pilit na hinihingi ang lisensya ni Dangcalan.

Tinutukan ng umano’y mga pulis ng baril ang mga biktima at saka pinalipat sa naghihintay na Honda CRV. Dito ay iginapos ang dalawa saka piniringan ang mga mata. Umabot pa ng ilang oras ang biyahe ng mga biktima kasama ang mga suspek hanggang sa itina­pon sila sa isang lugar sa Meralco Village na nasa Brgy. Batia, Bocaue kung saan ay natagpuan sila ng mga pulisya.

Show comments