Lider ng robbery gang timbog, 1 dedo

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tau­han ng Philippine National Police (PNP) ang lider ng notoryus na robbery gang samantalang napatay na­man ang isang miyembro nito sa isang shootout sa Ta­lakag, Bukidnon kaha­pon ng madaling araw.

Si Roque Luminda, na itinuturong lider ng grupo ay nasakote ng mga awto­ridad matapos na magtamo ng tama ng bala sa likod at kamay. Si Luminda ay may limang warrant of arrest sa kasong murder habang si Orlando Salino naman na wanted sa kasong murder ay namatay matapos na ma­­puruhan ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Dalawa ring pulis na nakilala namang sina PO3 Petisme Eliron at PO1 Bob­by Labio ang nasuga­tan rin sa barilan at ngayo’y nila­la­patan na ng lunas sa Ta­lakag Provincial Hospital.

Isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Lu­minda ng salubungin ang mga ito ng pagpa­pa­pu­tok ng mga suspect.

Show comments