Lider ng robbery gang timbog, 1 dedo
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang lider ng notoryus na robbery gang samantalang napatay naman ang isang miyembro nito sa isang shootout sa Talakag, Bukidnon kahapon ng madaling araw.
Si Roque Luminda, na itinuturong lider ng grupo ay nasakote ng mga awtoridad matapos na magtamo ng tama ng bala sa likod at kamay. Si Luminda ay may limang warrant of arrest sa kasong murder habang si Orlando Salino naman na wanted sa kasong murder ay namatay matapos na mapuruhan ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Dalawa ring pulis na nakilala namang sina PO3 Petisme Eliron at PO1 Bobby Labio ang nasugatan rin sa barilan at ngayo’y nilalapatan na ng lunas sa Talakag Provincial Hospital.
Isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Luminda ng salubungin ang mga ito ng pagpapaputok ng mga suspect.
- Latest
- Trending