Baon sa utang: Magsasaka, nagsuicide
CAVITE, Philippines — Winakasan ng isang 35-anyos na magsasaka ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ng dalawang ulit bunsod na rin ng pagkakabaon sa utang kahapon ng umaga sa Maragondon, Cavite.
Dalawang tama ng bala ng shotgun ang kumitil sa buhay ni Isagani Hernandez, 35, magsasaka at residente ng Barangay Garita B., naturang bayan.
Ayon kay PO2 Milovic Faustino, dakong alas-8:00 ng umaga nang magpakamatay umano ang biktima sa loob ng kanyang bahay bunga ng malaking problema sa pera.
Una rito, napansin ng pamilya ng biktima ang laging pagkawala nito sa sarili. Posibleng hindi na umano nakayanan ng biktima ang kanyang problema sa pera.
Dinala naman sa Saint Gregory Funeral Homes ang katawan ng biktima para sa awtopsiya upang matiyak na walang foul play sa insidente.
- Latest
- Trending