Holdaper, 1 utas, 1 kritikal

KIDAPAWAN CITY, Philippines —Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isa sa mga kasamahan nito matapos makipagbarilan sa mga sundalo at pulis na na­ka­tunog sa balak nilang pang­ho-hold-up sa isang restaurant sa Poblacion ng Pikit, North Cotabato, alas-4:30 ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. Domingo Gubuay, commander ng 7th In­fantry Battalion, ang napa­tay na suspect na si Teng Tado habang sugatan naman si Deng Tado na kapwa mi­yembro ng Armed Lawless Group (ALG) na nag-o-ope­rate sa bayan ng Pikit at iba pang lugar sa North Cotabato.

Arestado din ang iba pang kasama ni Teng na sina Ken­nedy, Bedo, Mamadatu, Ba­gutay at Mosaiden Magao at isang Toks Dalgan.

Ayon sa report, naispatan ng isang informant ang pre­sensiya ng mga suspect sa Geonette Restaurant na nasa Poblacion ng Pikit na planong holdapin ng grupo. Agad na­mang itinawag ito sa PNP at sa 7th IB na nasa lugar.

Subalit agad na pinapu­tukan ng mga suspect ang mga sundalo at pulis na nauwi sa palitan ng putok.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya laban sa mga suspect ha­bang ginagamot si Deng sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit.  

Show comments