4 sugatan sa landslide

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasuga­tan makaraang gumuho ang two-storey chalet sa itaas na bahagi ng bundok sa na­ga­nap na landslide sa Baguio City nitong Hu­webes ng ma­daling araw.

Isinugod sa Baguio City Hospital and Medical Center ang mga mag-asawang sina Ricardo at Maricel Villa­nueva at Rodolfo at Lorna Bustarde maka­raang mag­tamo ng sugat at pasa sa katawan.

Ayon kay Chief Supt. Villamor Bumanlag, Director ng Cordillera Administrative Region Police Office, naitala ang landslide sa nasabing lugar bandang alas-3:45 ng madaling araw habang ma­himbing na natutulog sa loob ng chalet ang mga bik­tima.

Kaugnay nito pinag-iingat naman ng pamaha­laang lungsod ang mga re­sidente dahilan sa posible pang landslide.

Show comments