4 sugatan sa landslide
MANILA, Philippines - Apat katao ang nasugatan makaraang gumuho ang two-storey chalet sa itaas na bahagi ng bundok sa naganap na landslide sa Baguio City nitong Huwebes ng madaling araw.
Isinugod sa Baguio City Hospital and Medical Center ang mga mag-asawang sina Ricardo at Maricel Villanueva at Rodolfo at Lorna Bustarde makaraang magtamo ng sugat at pasa sa katawan.
Ayon kay Chief Supt. Villamor Bumanlag, Director ng Cordillera Administrative Region Police Office, naitala ang landslide sa nasabing lugar bandang alas-3:45 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog sa loob ng chalet ang mga biktima.
Kaugnay nito pinag-iingat naman ng pamahalaang lungsod ang mga residente dahilan sa posible pang landslide.
- Latest
- Trending