Mangingisda, timbog sa paghuli, pagpatay ng pawikan
CAMARINES NORTE, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang mangingisda makaraang ireklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil sa panghuhuli ng isang pawikan na planong ding ibenta ng kada kilo sa Purok 5 Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Tulung-tulong na dinampot nina P/Sr. Insp. Rogielyn Calandria, Fish Warden at mga Barangay Officials ang suspek na si Allan Abordo, 41 ng nasabing barangay matapos na aminin nito ang ginawang paghuli sa pawikan na tumitimbang ng 80 kilo.
Ayon sa suspect, nagawa lamang niya na manghuli at patayin ang pawikan upang may ipangtustos sa pagpapaaral ng kanyang mga anak sa darating na pasukan. Aniya, nakita niya ang nasabing pawikan matapos na makasama sa kanyang “Pangki” na sinasabing naghihingalo na.
Nabatid naman kay Nestor B. Mata, Forest Management Specialist ll at Acting Forester lll ng DENR Office sa Barangay Dogongan-Daet, inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mangingisda at posibleng makulong na mahigit sa anim na taong pagkakabilanggo matapos na lumabag sa Section 27 paragraph ‘A” and “F” ng Republic Act 9147 (known as Wildlife Conservation and Protection Act) Killing and Destroying (a) Collecting and Possession (f) at pinagbabayad ng halagang P100,000.00 hanggang P1 M.
- Latest
- Trending