Pamilya, 3 minasaker ng adik
MANILA, Philippines - Tatlong sibilyan ang iniulat na napatay habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mapagtripang ratratin ng isang lalaki na sinasabing sugapa sa bawal na droga sa bisinidad ng Brgy. Buntod, sa bayan ng Talipao, Sulu kamakalawa.
Kabilang sa mga nasawi na nagtamo ng mga tama ng M203 grenade launcher na may apelyidong Ladjabassal ay sina Salim, 50; Al-Ansar, 15; at Ben, 35; habang ginagamot naman sa Sulu Provincial Hospital sina Rosaina Ladjabassal, 45; China, 11 at Kinan Ladjabassal, 1.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nanlilisik ang mga mata ng suspek nang bigla na lamang kinuha ang kaniyang M203 grenade launcher at pinuntirya ang nasorpresang mga biktima.
Nahaharap naman sa kasong multiple homicide at multiple frustrated homicide ang suspek na si Sulivan Suhuri.
- Latest
- Trending