Chairman nilikida

CAMP VICENTE LIM, Laguna  , Philippines — Hindi na uma­bot pa ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman sa bayan ng San Pab­lo, Laguna matapos tam­bangan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa kanyang bayan kahapon ng umaga.

Napuruhan sa katawan si Chairman Cesar Reyes, 73, ng Barangay Sta. Isabel sa nabanggit na bayan.

Ayon sa report, papauwi na si Reyes sakay ng Mitsu­bishi Lancer (UPZ-198) mula sa pagdalo ng flag raising ceremony sa muni­sipyo nang ratratin ng motorcycle-riding gunmen pagsapit sa panu­lukan ng T. Azucena St. at Shetilig Ave. sa Barangay 4-B. Itinakbo pa sa Laguna District Hospital si Reyes subalit idineklarang patay.

Show comments