Chairman nilikida
CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman sa bayan ng San Pablo, Laguna matapos tambangan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa kanyang bayan kahapon ng umaga.
Napuruhan sa katawan si Chairman Cesar Reyes, 73, ng Barangay Sta. Isabel sa nabanggit na bayan.
Ayon sa report, papauwi na si Reyes sakay ng Mitsubishi Lancer (UPZ-198) mula sa pagdalo ng flag raising ceremony sa munisipyo nang ratratin ng motorcycle-riding gunmen pagsapit sa panulukan ng T. Azucena St. at Shetilig Ave. sa Barangay 4-B. Itinakbo pa sa Laguna District Hospital si Reyes subalit idineklarang patay.
- Latest
- Trending