Pamilya, 3 niratrat sa kalsada

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Kama­ta­yan ang sumalubong sa ba­tang lalaki habang nasa kritikal naman ang mag-asawa makaraang ratratin ng mga armadong lalaki sa Sitio Ladiawan, Barangay Ma­taba sa Masbate City, Mas­bate kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang napas­lang na si Albert Mendoza, 3, samantalang nasa kri­tikal na kalagayan at gina­gamot sa Masbate Provincial Hospital ang mag-asa­wang sina Eleanor Men­doza at Roberto Mendoza.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Bernito Dellamas, Domin­go Dellamas, Judito Della­mas, Junery Dellamas at Lau­ro Sia na pawang mag­sasaka at nakatira sa Ba­rangay Sawang, Aroroy, Mas­bate. Lumilitaw na nag­­­la­­lakad pauwi ang mga biktima nang makasa­lubong at ratratin ng mga sus­pek.

Show comments