Birthday blast: 4 katao utas

MANILA, Philippines - Sinakmal ng lagim ang masayang birthday party matapos sumabog ang im­bakan ng paputok na ikina­sawi ng apat katao habang pitong iba pa ang nasu­ga­tan kamakalawa ng hapon sa Barangay Mo­hon, Are­valo District, Iloilo City.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, tatlo sa mga biktima ay pa­wang naabo ang mga bang­­kay na nakilalang sina Sofia Gallena, Luther Gal­le­na at Ro­dessa Gallena.

Si Rodrigo Gallena na may-ari ng imbakan ng pa­putok na nagsisilbing paga­waan ay nasawi rin dahil sa matinding pagka­sunog ng katawan habang patuloy namang ginagamot ang pitong sugatan.

Lumilitaw na sinindihan ng ilang bisita ang paputok para sa selebrasyon pero sa kamalasan ay lumikha ito ng matinding pagsabog at sunog dahil sa mga ke­mikal na gamit sa paggawa ng paputok na nakaimbak sa nasabing bahay.

Dahil dito, nasunog ang tahanan ng mga biktima at nadamay pa ang bahay na katabi nito.

Tumagal ng ilang oras bago naapula ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero. Dag­dag ulat ni Ronilo Pamonag

Show comments