Negosyanteng Bumbay itinumba

PANGASINAN, Philippines — Isang negosyanteng Bumbay ang pi­nagbabaril at napatay ng tatlong maskaradong lalaki sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sta. Maria sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan kamakalawa.

Limang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Satnam Singh, 25, ng San Vicente East, Urdaneta City. Sa pag­sisiyasat ng pulisya, papunta sana sa kanyang mga kostumer ang bik­tima upang magdeliber ng mga inorder na kumot at tu­walya nang ratratin ng motorcyce-riding assasins.

Hindi na umabot ng buhay sa Ma­naoag District Hospital ang bik­tima kung saan na­rekober naman ang limang basyo ng bala, cash na P8,487, celpone, immigration ID, driver’s license at iba pang personal na gamit ng biktima.

Show comments