Pulis todas sa heat stroke

CABANATUAN CITY , Philippines   – Pinaniniwalaang na-heat stroke ang isang 45-anyos na pulis habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kanto ng Andres Valino Street at Ramirez Street sa Barangay Aduas Centro, Cabanatuan City, Nueva Ecija, noong Huwebes. Na-comatose muna sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital si PO3 Edgar Cas­tro ng Barangay Pagas, Cabanatuan City, noong Huwebes bago namatay noong Biyernes ng hapon. Sa imbestigasyon, nabatid na pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo (8758-CS), bandang alas-9:45 ng gabi, nang biglang ma­walan ito ng kontrol at ma­tumba. Nabatid na bago maganap ang insidente ay nagmamando ng trapik ang biktima sa maghapong mainit na lansangan sa Ma­harlika Highway sa Barangay Mabini.

Show comments