Pulis todas sa heat stroke
CABANATUAN CITY , Philippines – Pinaniniwalaang na-heat stroke ang isang 45-anyos na pulis habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kanto ng Andres Valino Street at Ramirez Street sa Barangay Aduas Centro, Cabanatuan City, Nueva Ecija, noong Huwebes. Na-comatose muna sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital si PO3 Edgar Castro ng Barangay Pagas, Cabanatuan City, noong Huwebes bago namatay noong Biyernes ng hapon. Sa imbestigasyon, nabatid na pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo (8758-CS), bandang alas-9:45 ng gabi, nang biglang mawalan ito ng kontrol at matumba. Nabatid na bago maganap ang insidente ay nagmamando ng trapik ang biktima sa maghapong mainit na lansangan sa Maharlika Highway sa Barangay Mabini.
- Latest
- Trending