2 Cafgu inutas ng Sayyaf

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang sundalo ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napaslang ha­bang dalawang grader ang sinunog sa naganap na pag­sa­lakay ng rebeldeng New People’s Army sa ginaga­wang road opening sa Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Bula, Ca­ma­rines Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Stanly delos Santos, 36, ng Brgy. Sta Teresita, Canaman at Edwin Barra­meda, ng Brgy. Del Soc­coro, Minalabac at kapwa naka­talaga sa Army’s 22nd Infantry Battalion. Lumilitaw na sina­lakay ng mga rebelde ang pan­samantalang opisina ng Sunwesty Const. Develop­ment Corp. na gumagawa ng Panoypoyan-Mainalabac Road at isinagawa ang pana­nabotahe. Pinaniniwalaang revolutionary tax ng NPA na hindi naibigay ng may-ari ng kompanya kaya naganap ang pananabotahe. 

Show comments