2 Cafgu inutas ng Sayyaf
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang sundalo ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napaslang habang dalawang grader ang sinunog sa naganap na pagsalakay ng rebeldeng New People’s Army sa ginagawang road opening sa Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Bula, Camarines Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Stanly delos Santos, 36, ng Brgy. Sta Teresita, Canaman at Edwin Barrameda, ng Brgy. Del Soccoro, Minalabac at kapwa nakatalaga sa Army’s 22nd Infantry Battalion. Lumilitaw na sinalakay ng mga rebelde ang pansamantalang opisina ng Sunwesty Const. Development Corp. na gumagawa ng Panoypoyan-Mainalabac Road at isinagawa ang pananabotahe. Pinaniniwalaang revolutionary tax ng NPA na hindi naibigay ng may-ari ng kompanya kaya naganap ang pananabotahe.
- Latest
- Trending