Director ng patubig itinumba

BATANGAS, Philippines — Napaslang ang isang 53-anyos na director ng water utility services makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Pob­lacion sa bayan ng Agoncillo, Batangas kamakalawa ng ha­pon. Ayon kay P/ Senior Supt. Alberto Supapo, may kinu­kumpuni sa loob ng kanyang garahe si Julian Alcazar nang dumating at ratratin ng dalawang armadong lalaki. Isinugod pa sa Metro Lemery Medical Center ang biktima subalit idineklarang patay pagdating sa emergency room. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments