Sundalo todas sa heat stroke
MANILA, Philippines - Namatay sa heat stroke ang isang aplikan teng sundalo, samantalang labing-anim iba pa ang nahilo at isinugod sa ospital matapos na hindi makayanan ang matinding init ng panahon habang nagsasanay sa bayan ng Gamu, Isabela, kamakalawa.
Kinilala ni Col. Loreto Ma ngundayao Jr., spokesman ng Army’s 5th Infantry Division ang nasawing rekrut na si Ericson Pascua ng Cordon, Isabela.
Samantala, isinugod naman sa ospital matapos na makaranas ng matinding dehydration at heat exhaustion ang 16 pang kasamahang rekrut.
Nabatid na nag-umpisa ang pagsasanay noong Miyerkules kung saan dumaan sa tinatawag na reception ang may 350 bagong rekrut na sundalo sa Division Training Unit ng 5th Infantry Division sa nabanggit na bayan.
“Actually binubuga han pa sila ng tubig ng mga bumbero, pero si Pascua lang ang nagkaganon, siguro mahina lang talaga ang katawan niya,” pahayag ni Mangundayao.
Ang mga sundalong rekrut ay dumaan sa matinding pagsubok at pagsasanay na rekisitos sa mga nais sumabak sa hukbo ng militar.
Kaugnay nito, sinabi pa ng opisyal na matapos na malapatan ng gamot ay nakabalik na sa kampo ng militar ang ilang rekrut na sundalo.
- Latest
- Trending