Mag-ama niratrat, kritikal
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang hepe ng pulisya sa bayan ng Magarao habang mapuputulan naman ng paa ang kanyang anak na babae makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa terminal ng sasakyan sa Barangay Triangulo sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Tatlong bala ng baril ang tumama sa katawan ni P/Chief Insp. Angeles Balla, 48; at anak nitong si Angel, 1, kapwa nakatira sa Barangay Del Rosario. Nabatid na nasa harapan ng pag-aaring karinderya si Angeles habang kalong ang kanyang anak na babae nang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.
- Latest
- Trending