Dalagita todas sa rapist
MANILA, Philippines - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na dalagita matapos itong ilublob ang ulo sa tubig hanggang mapatay nang manlaban sa rapist sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa. Nadakma naman ang suspek na si Rogelio Gellido, 53, ng Brgy. Talibaw sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Gellido ang huling namataan kasama ng biktimang si Anna Marie Caoile. Sa pahayag ni P/Supt. Rodelio Samson, hepe ng Calasiao Police, lumilitaw na niyaya ng suspek ang biktima na mamasyal malapit sa ilog kung saan pagsapit sa nabanggit na lugar ay pinilit na hubaran ang dalagita subalit nanlaban ang biktima. Nairita ang suspek kaya inilublob ang ulo ng dalagita sa ilog hanggang sa mapatay.
- Latest
- Trending