Head nurse dinedo sa bar

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang head nurse ng municipal health office makaraang mapagtripan ng tatlong kalalakihan sa loob ng videoke bar sa Barangay Kalawag III, sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa ng madaling-araw. Idi­neklarang patay sa Isulan Specialist Clinic si Raniel Ma­dalogdog, 45, kawani ng munisipyo sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat. Lumilitaw na magka­kasamang nag-iinuman ng alak ang biktima at apat na kaibigan nito sa Magestic Videoke-K sa nabanggit na barangay nang lapitan at ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki. Nabulabog naman ang mga customer sa videoke bar at nagpulasan kung saan sinamantala naman ng gunmen na makatakas.

Show comments