Hukom itinumba sa hotel
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa isang beteranong hukom makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki habang papasok ng hotel sa bayan ng Aparri, Cagayan noong Martes ng gabi.
Sa phone interview, kinilala ni acting provincial police director Senior Supt. Feliciano Caraguian, ang napaslang na si Judge Andres Cipriano, 59, ng Aparri Regional Trial Court Branch 9 at pansamantalang nanunuluyan sa St. Patrick Hotel sa Barangay Macanaya.
Sa pahayag naman ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia, hepe ng intelligence police regional office 02 na nakabase sa Camp Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, inabangan ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki ang biktima sa inuupahang hotel kung saan siya binaril habang papasok ito sa kanyang tinutuluyang kuwarto.
“The victim immediately proceeded to his rented room and as he was about to enter inside, one of the suspects followed him and shot him twice, hitting him on the nape that caused his death,” pahayag ni Garcia.
“We are also looking into all the cases handled or currently lodged at the judge’s sala for it might have something to do with his killing, we are still investigating all possible motives or angles, especially whether it was work-related or personal,” dagdag pa ni Garcia
Samantala, lumabas naman ang usapin kaugnay sa nakatakdang promulgation na isasagawa sana ng hukom na may kaugnayan sa malaking kaso na sinasabing isa sa motibo ng krimen
- Latest
- Trending