CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinaniniwalaang problema sa pera at pamilya ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang isang mister ng kanyang bayaw kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talisay, Sorsogon City. Idineklarang patay sa Sorsogon Provincial Hospital si Marlon Orpela, 30, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Erickson de Vera ng Brgy. Pangpang. Lumilitaw na nagpapahinga ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na nag-aalboroto. Kaagad na kinompronta ang biktima kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang.