^

Probinsiya

Mayor, 4 alalay laya sa P3-milyong ransom

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army ang dinukot na al­kalde at apat na security escorts kahapon ng ma­daling-araw sa bisi­nidad ng Sitio Pamian, Barangay Bogac, sa bayan ng Li­ngig, Surigao del Sur.

Kabilang sa mga pina­laya ay sina Lingig Mayor Roberto “Jimmy” Luna Jr., Pfc Johnrey Abao, Pfc Arnel Dizon na naka­talaga sa Army’s 58th Infantry Battalion; PO2 Jose de Castro at PO2 Alan Dapit­napon.

Kaugnay nito, inihayag ni Major General Mario Chan, commander ng Army’s 4th Infantry Division, nakatanggap sila ng impormasyon na humingi ng P3 milyong ransom at mga baril ang mga re­belde kapalit ng pagpa­palaya sa mga biktima.

Pormal namang kaka­su­han ang grupo ng mga rebeldeng responsable sa pagbihag sa mga biktima noong Mayo 5 sa hang­ganan ng Trento, Agusan del Sur at Monkayo, Com­postela Valley.

Kasunod nito, kina­lam­­pag din ang NPA na pa­la­yain na ang tatlo pang sun­dalo at isang Cafgu na dinu­kot sa Ma­wab, Com­pos­tela Valley noong Mayo 12.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy ang search and rescue operations sa mga bihag na sina Corporals Marcial Bawagan, Ariel Asumo, Eduardo Alcala at ang Cafgu na si Victor Pitogo.

ALAN DAPIT

ARIEL ASUMO

BARANGAY BOGAC

CAFGU

CORPORALS MARCIAL BAWAGAN

EDUARDO ALCALA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with