Mister dinedo sa libing ng ina
PANGASINAN , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka na sinasabing ihahatid sana sa huling hantungan ang kanyang yumaong ina nang ratratin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki noong Linggo ng hapon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Laoac, Pangasinan.
Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Robert Austria, 37, ng Barangay Turko. Binanggit sa ulat na ang biktima kasama ang mga kaibigan at kamag-anak ay naglalakad patungong sementeryo para ihatid ang mga namatay na ina nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest
- Trending