CAMP GEN. FLORENDO, La Union , Philippines — Isang police colonel na nagmamadali para umabot sa flag raising ceremony sa PNP camp kahapon ng umaga ang iniulat na nasawi habang ang drayber nito ay malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanyang service vehicle sa kasalubong na pampasaherong bus sa kurbadang Darapidap Highway sa bayan ng Aritao, Nue va Vizcaya kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang namatay na si P/Senior Supt. Teodorico Danao, hepe ng Regional Police Community Relations habang nakiki paglaban naman kay kamatayan ang kanyang drayber/bodyguard na si P01 Reginaldo Ramos.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na lulan ng Toyota Revo (XDP 547) ang mga biktima patungong regional police camp nang bumulaga ang kasalubong na Florida Bus (AVC 247) ni Artemio Roldan sa kurbadang bahagi ng highway. Dead-on-spot si Danao habang naisugod naman sa ospital si Ramos.