LOS BANOS, Laguna — Tahasang pinabulaanan kahapon ng nanalong mayor ng Los Baños, Laguna na si Anthony “Ton” Genuino na may naninira sa integridad ng nakalipas na eleksyon sa pagsasabing gumamit siya ng mga flying voter para manalo sa nakalipas na automated elections.
“Walang maidudulot na maganda at patuloy na paninira, aksiyon at serbisyo para sa mahihirap na mamamayan ang dapat na unahin at pagtuunan ng pansin,” pahayag ni Genuino sa kanyang libu-libong lider at tagasuporta sa isinagawang pasasalamat.
Bukod dito, pinuri at hinangaan ng mga religious organizations, at iba’t ibang sektor ng lipunan, ang pagiging maka-Diyos, kalmado, maunawain at respetadong pamilya Genuino sa pangunguna ni Pagcor Chairman and CEO Efraim Genuino. Subali’t sa kabila nito, patuloy pa rin ang paninira mula sa kanyang mga katunggali, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga negatibong impormasyon na walang matibay na batayan tulad ng pamimili ng boto, at iba pang malisyosong ulat.
Ang bagay na ito ang pinag-isipan ng masama ng mga katunggali ni Ton, kung saan naganap na mainitang pagtatalo sa pagitan ng pulisya at mga ralyista ng Bayan Muna at Kabataan Partylist dahil hinarangan ng mga ito ang kalsada ang kanyang mga poll watcher.
Pinatunayan pa ito ng mga mamamahayag na nagsagawa ng panayam sa mga poll watcher sa loob ng Trace College na sumailalim sa final briefing para sa kanilang gagampanang trabaho sa Makati noong araw ng eleksyon at hindi mga flying voter ng Los Baños. Hindi lang matanggap ng mga talunang mayoralty bet na tatalunin sila ng batang Genuino kung kaya’t lahat ng paraan ay ginagawa para sirain ang bagong halal na mayor.
Kaugnay nito, hinikayat naman Ton ang lahat ng kanyang katunggali na makiisa at magsama-sama para sa pag-unlad ng bayan ng Los Baños.