^

Probinsiya

'Flying voters' imbento lang... Dayaan sa Los Baños polls paninira - Genuino

-

LOS BANOS, Laguna — Ta­hasang pinabula­anan ka­hapon ng nana­long ma­yor ng Los Baños, Laguna na si Anthony “Ton” Ge­nuino na may na­ni­nira sa integridad ng na­kalipas na eleksyon sa pag­­sasa­bing gumamit siya ng mga flying voter para manalo sa nakalipas na automated elections.

“Walang maidudulot na maganda at patuloy na pa­ninira, aksiyon at serbisyo para sa mahihirap na ma­ma­mayan ang dapat na unahin at pagtuunan ng pansin,” pahayag ni Ge­nuino sa kanyang libu-libong lider at tagasuporta sa isi­nagawang pasasalamat.

Bukod dito, pinuri at hi­nangaan ng mga religious organizations, at iba’t ibang sektor ng lipunan, ang pagi­ging maka-Diyos, kalmado, maunawain at respetadong pamilya Genuino sa pangu­nguna ni Pagcor Chairman and CEO Efraim Genuino. Subali’t sa kabila nito, pa­tuloy pa rin ang paninira mula sa kanyang mga ka­tung­gali, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga negatibong impormasyon na walang matibay na batayan tulad ng pamimili ng boto, at iba pang malisyosong ulat.

Ang bagay na ito ang pi­nag-isipan ng masama ng mga katunggali ni Ton, kung saan naganap na mainitang pagtatalo sa pagitan ng pu­lisya at mga ralyista ng Ba­yan Muna at Kabataan Par­tylist dahil hinarangan ng mga ito ang kalsada ang kan­yang mga poll watcher.

Pinatunayan pa ito ng mga mamamahayag na nag­sagawa ng panayam sa mga poll watcher sa loob ng Trace College na suma­ilalim sa final briefing para sa kanilang gagampanang trabaho sa Makati noong araw ng eleksyon at hindi mga flying voter ng Los Baños. Hindi lang ma­tang­gap ng mga talunang mayoralty bet na tatalunin sila ng ba­tang Genuino kung kaya’t lahat ng paraan ay gina­gawa para sirain ang bagong halal na mayor.

Kaugnay nito, hinikayat naman Ton ang lahat ng kan­yang katunggali na makiisa at magsama-sama para sa pag-unlad ng ba­yan ng Los Baños.

vuukle comment

BUKOD

DIYOS

EFRAIM GENUINO

GENUINO

KABATAAN PAR

LOS BA

PAGCOR CHAIRMAN

SHY

TRACE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with