Quezon governor, 4 pa utas sa chopper crash
QUEZON , Philippines — Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 5-katao kabilang na si Quezon Governor Rafael “Raffy” Nantes makaraang bumagsak ang chopper sa dalawang bahay sa bisinidad ng subdivision sa Barangay Ilayang Iyam sa Lucena City kahapon ng hapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Erickson Velasquez, Quezon police director, bukod kay Governor Nantes, namatay din ang dalawang bodyguard na sina PO3 Randy Roperez at Army Master Sergeant Alfred Dominguez at ang piloto na si Captain Nestor Sanchez.
Si Nantes na National Treasurer ng Liberal Party at gubernatorial bet ay natalo kay Lakas-Kampi CMD gubernatorial bet Jayjay Suarez, anak ni Rep. Danny Suarez.
Samantala, nadamay din sa nasawi si Rowena Navales, 14; habang sugatan naman sina Mary Joy Navales, 16, at Noel Navales, 15, matapos na bumagsak sa kanilang bahay ang chopper R44 na may body number RPC 2550.
Nabatid na patungo sana si Nantes sa Maynila para dumalo ng pagpupulong sakay ng 4-seater helicopter nang mag-crash sa may Jael Subdivision bandang alas-3:10 ng hapon.
Sa panayam kay Francis Sevilla, chief of staff ni Governor Nantes, nagpaalam pa raw si Nantes sa mga ka wani after the Monday morning flag ceremony at nakipag-meeting pa sa mga department head bago naganap ang trahedya.
Sumakay si Governor Nantes sa chopper na nakahimpil sa open quadrangle ng Quezon National High School, ilang metro lang ang layo sa kapitolyo ng Quezon. Dagdag ulat ni Edd Gumban
- Latest
- Trending