82-anyos lolo natusta

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Isang 82-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang maku­long sa nasu­sunog na ba­hay sa Barangay Piot sa Sorsogon City, Sorsogon, ka­hapon ng umaga. Halos matusta ang katawan ni Nor­berto Ante na sina­sabing retiradong bisor ng Department of Education. Nakaligtas naman ang asawa nitong si Soledad, Ante, 80, matapos ma ma­kalabas ng bahay. Wala pang malinaw na ulat kung saan nagsimula ang apoy habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Show comments