MANILA, Philippines - Umiskor ang dalawang grupo ng elite Army Scout Ranger sa ilalim ng Task Force Trillium matapos na mapatay ang isang bandidong Abu Sayyaf habang 14 iba pa ang naaresto sa isinagawang operasyon sa kagubatan ng Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.
Bandang alas- 5:30 ng umaga nang salakayin ng mga sundalo ng 13th Scout Ranger Company ng Task Force Trillium ang pinagkukutaan ng mga bandido sa pamumuno ni Umpar Ipong sa Sitio Bohe Pange sa Barangay Gihong.
Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang bangkay ng napatay na bandido, isang M203 grenade launcher tube, 6- M16 rifles, Garand rifle, 2- ICOM transceivers, granada, blasting cap, round ng M 60 MM mortar shell, 2-battalion pack ng ICOM, 8-sets ng camouflage uniform, 3 jungle packs, 7 ammunition carrying vests, 3-combat boots at dalawang cell phone.
Kasalukuyan nang isinasailalim sa tactical interrogation ang mga nasakoteng bandido.