CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Napaslang ang isang 35-anyos na close-in bodyguard ni San Pablo City Mayor-elect Vicente Amante matapos pagbabarilin ng mga ‘di-pa kila lang lalaki sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, ang napatay na si Jefferson Bicomong ng Barangay San Roque, San Pablo City, Laguna.
Ayon sa police report, lumilitaw na katatapos lang mamili ni Bicomong sa Ro-An Grocery store sa M. Basa Street, Barangay 7 nang lapitan at paputukan ng baril bandang alas-3:50 ng hapon noong Biyernes.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang ulo, mukha at katawan kung saan isinugod sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna subalit ideneklarang patay pagdating sa emergency room.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo kung saan pinaniniwalaang may ki nalaman sa pulitika ang motibo.