Taong grasa, ginahasa at pinatay ng tanod

DARAGA , ALBAY , Philippines  — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang babae na iti­nuturing na taong grasa makaraang gahasain at pa­­tayin ng isang barangay tanod kamakalawa ng gabi sa isang bahay kubo sa harapan ng Daraga Cockpit and Sports Complex sa Barangay Maroroy sa ba­yang ito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa na­kikilala ng mga awtoridad ang biktima na dinala sa Puneraria Nuestra Senora De Salvacion.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad sa isina­gawang follow-up operation si Elvin Mayor 35, may asa­wa, Chief Barangay Tanod at residente ng natu­rang lugar.

Batay sa ulat ng pulis­ ya ang insidente ay naga­nap dakong alas-11:00 ng gabi matapos na kalad­karin ng suspek ang bikti­ma sa isang bakanteng bahay kubo sa tabi ng kalsada at saka isi­na­ga­wa ang pang­ha­halay. Ma­tapos ito ay pi­natay ng sus­pek ang bik­tima.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay may ilang kar­ga­dor ng gulay ang naka­sak­si sa ginawa nitong krimen.

Mabilis namang nag­sagawa ng follow-up ope­ration ang mga miyembro ng Daraga MPS at pinun­tahan ang bahay ng sus­pek na kung saan doon ito na­abutan.

Nagpanggap pang nag­tutulug-tulugan ang sus­pek kung kaya pinagtu­lungan lamang itong bu­hatin ng mga pulis at po­sitibong itinuro ng mga saksi sa naturang krimen.

Ayon sa mga saksi pa­gala-gala lamang ang bik­tima sa lugar at walang na­kakaalam ng pagka­ka­kilanlan nito.

 Kasalukuyan na­mang nakaku­long ang suspek sa himpilan ng pu­lisya at inihahanda na ang pag­ sa­sampa ng kaso la­ban dito.

Show comments