^

Probinsiya

PCOS machines sinunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang mga precinct count optical scan (PCOS) machine makarang sala­kayin ang polling center sa bayan ng Paracelis, Mountain Pro­­vince noong Martes ng umaga. Lumilitaw sa police report na bandang alas-7:30 ng umaga nang lusubin ng tatlong ar­madong lalaki ang Apalis Elementary School sa Barangay Bunot kung saan dalawa sa mga suspek ay nakilalang sina Ramos Dangasen at Jose Daquioag. Walang nagawa ang mga bantay na Board of Election Inspectors at mga poll watcher matapos na tutukan ng baril kung saan sinunog ang mga PCOS machine at ang ge­nerator set sa polling center. Na­ batid na nakatakda sanang dalhin ang mga PCOS sa municipal election officer sa naturang bayan para sa canvassing. Naglunsad na ng malawakang hot pursuit operations ang pulisya at militar laban sa nagsitakas na grupo.

APALIS ELEMENTARY SCHOOL

BARANGAY BUNOT

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

JOSE DAQUIOAG

LUMILITAW

MOUNTAIN PRO

NAGLUNSAD

PARACELIS

RAMOS DANGASEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with