4 sundalo kinidnap

MANILA, Philippines - Patuloy sa paghahasik ng lagim ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army ang masayang birthday party kung saan dinukot ang tatlong sundalo at isang Cafgu sa Barangay Sa­wangan, sa bayan ng Mawab, Compostela Valley ka­ma­kalawa. Kabilang sa mga dinukot at ngayon ay pinaghahanap ay sina Corporals Marcial Bagawan, Ariel Asumo, Eduardo Alcala at si Victor Pitogo, sundalo ng Citizens Armed Forces Geographical Unit. Bandang alas-12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa birthday party ng 3-anyos na anak na lalaki ni Bagawan. Lumilitaw na nagkaka­sayahan ang pamilya at mga bisita ng batang nagdiriwang ng kaarawan nang magu­lantang ang mga ito sa paglusob ng mga rebelde. Hindi pinakinggan ng mga rebelde ang pakiusap ng misis at mga anak ni Bagawan na huwag dukutin ang kaniyang mister at mga kasamahan nito pero naging bingi ang mga rebelde. Isinakay ang mga biktima sa kulay itim na van saka tumalilis sa direksyon ng Barangay Sangab.

Show comments