Election inspector nilikida

MANILA, Philippines - Isa na naming Board of Election Inspector na nag­silbi sa katatapos na hala­lan noong Lunes ang iniulat na napaslang maka­raang pagbabarilin ng mga arma­dong lalaki sa Cota­bato City kahapon ng umaga.

Tatlong bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Abdulrahman Mero, principal ng pampublikong paaralan sa Bongo Island na nasasakupan ng Pa­rang, Maguindanao.

Sa report ni P/Senior Supt. Willie Dangane, lu­militaw na papauwi na ang biktima lulan ng kulay pu­ting Volkswagen kasama ang misis nito at dalawang anak nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Isinugod pa si Mero sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idi­neklarang patay.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pagiging Board of Election Inspector ng biktima ang motibo ng krimen.

Show comments