Bahay ng poll watcher sinunog
CAMP BONNY SERRANO, Masbate City, Philippines — Sinunog ang bahay ng isang poll watcher ng mayoralty bet makaraang tumanggi sa kahilingan ng mga opisyal ng barangay na suportahan ang kalabang kandidato bago maghalalan sa Barangay Curvada sa bayan ng Cataingan, Masbate.
Lumilitaw na naganap ang panununog sa bahay ng pamilya Rosas habang ang buong pamilya ay nasa polling center at binabantayan ang anak na tumatayong poll watcher ng kadidato sa kanilang lugar.
Napag-alamang bago naganap ang insidente ay hinikayat ang mga magulang na isaisantabi ang pagiging poll watcher ng kanilang anak na dalaga subalit tumanggi ang pamilya kaya walang nagawa ang mga opisyal ng barangay.
Subalit laking gulat ng pamilya Rosas nang ipa abot sa kanila ng ilang kapitbahay na sinunog ang kanilang tahanan.
- Latest
- Trending