^

Probinsiya

Marcos dynasty nabuhay

- Ni Andy Zapata Jr. -

MANILA, Philippines - Muling nabuhay ang Marcos dynasty na sinasabing pumukaw sa mata ng taumbayan matapos na manalo sa katapos na May 10 elections ang mag-iinang Marcos sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan sa ilalim ng Nacionalista Party-Kilusang Bagong Lipunan. Si Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos, na kandidato sa congressional race sa 2nd district sa Ilocos Norte ay nanalo laban kay dating Ilocos Norte Vice Governor Mariano Nalupta Jr. na sinasabing trusted ally ng kanyang yumaong asawa na si Ferdinand Marcos Sr.

Samantala, si Imee Marcos naman ay nanalo sa gubernatorial race sa Ilocos Norte, laban sa kanyang pinsan na si outgoing Ilocos Norte Goverrnor Michael Marcos Keon.

Maging si Bongbong Marcos na natatanaw na rin ang pagkapanalo sa senatorial race, kung saan hindi natitinag sa ika-7 puwesto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mag-iina ay magkakasama sa larangang politika matapos ang1986 people power kung saan bumagsak ang kanilang political patriarch.

Magugunitang si Bongbong ay naging congressman noong 1992 hanggang 1995 sa 2nd district ng Ilocos Norte at three terms governor noong 1998 hanggang 2007 at nahalal na congressman noong 2007. Si Imee naman ay congresswoman sa 2nd district habang ang kanyang utol na si Bongbong ay governor noong 1998 hanggang 2007.

BONGBONG

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS SR.

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE GOVERRNOR

ILOCOS NORTE VICE GOVERNOR MARIANO NALUPTA JR.

IMEE MARCOS

MARCOS

MICHAEL MARCOS KEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with