Barilan sa polling precinct

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang magba­rilan ang dalawang armadong supporter ng magkalabang partido ng mayoralty at vice mayoralty candidate sa polling precinct sa Barangay Kampilan, North Kabuntalan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Col. Ricardo Nepomuceno, spokesman ng AFP Task Force sa Camp Aguinaldo, nagkapikunan ang mga sup­porter nina North Kabuntalan mayoralty candidate Abutazil Zainudin at vice mayoralty candidate Ramel Dilangalen.

Nagkaroon ng 20-minutong palitan ng putok na ikinasawi ng dating barangay chairman na si alyas Lano na sinasabing supporter ni Zainudin. Pansamantalang nahinto ang botohan kung saan humupa lamang ang tensiyon nang magresponde ang mga sundalo ng pulisya.

Show comments