3 PAGs ng kandidato todas

MANILA, Philippines - Tatlong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang private armed groups ng mayoralty candidate ang napatay habang limang iba pa ang nasugatan maka­ra­ang maki­pagbarilan sa pulisya sa inilatag na Comelec checkpoint sa bayan ng R. T. Lim sa Zam­boanga Sibugay kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, naunang nagpaputok ng baril ang mga armadong supporter ni mayoralty bet Roger Gomez ng Lakas-Kampi CMD kaya gumanti ang pulisya na nakabantay sa checkpoint.

Kasalukuyang ina­alam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong napaslang.

Show comments